kahirapan

              ANG HIRAP ! MAGING MAHIRAP!!
Image result for kahirapan
Kahirapan ang pinakaunang problemang mahirap masulosyonan.Kahirapan ang sanhi sa lahat ng isyung panlipunan.Bakit ba ganito?Bakit ba kaylangang maghirap ang isang tao kung pwede namang sa isang iglap lang maging mayaman na tayo.Masakit man isipin at sabihin ngunit marami  na ang nagsasabi na ang ating bansa ay isa sa mga bansang nakakaranas ng kahirapan.Sa naririnig ko ang bansa natin ang pinaka una rin sa listahan ng mga may pinakamaraming mahihirap.Mga Mahihirap! Na halos mamatay o linamon na sila ng sakit dulot ng kahirapan.Bakit Ba!? Na imbes na kumawala tayo sa kahirapan ay mas lalo pa tayong naging mahirap.Isang kahig isang tuka.Ganyan ang mga taong Dukha Sa makabagong panahon,ang kahirapan parin ang nag dudulot ng perwesyo sa lahat ng isyung panlipunan.Ang Kahirapan ang isang batayan sa isang bansang hind iumuunlad.At sa impormasyong nalaman ko,ito daw ay dahil sa maling paraan ng pamamalakad ng ating gobyerno.Dahil ang iba ay mgakurakot!At kaya hindi umuunlad ang ating bansa ay dahil sa mga korakot na opisyal na walang ibang iniisip kundi ang kanilang sarili para mas lalo pa silang yumaman.Sila yung mga taong hind iiniisip ang kapakanan ng isang bansa na imbis na umunlad ay mas lalo pa itong naghirap.Sabayan pa sa mga ugali nang  tao na umaasa lang sa iba.Dahil sa Katamaran kaya mas lalo pa tayong naghihirap.Kung hindi tayo kikilos para sa kapakan ng isang bansa,sana naman kumilos tayo para sa sarili natin.Maawa tayo sa sarili natin napatuloy na naghihirap sa buhay.

Karanasang nangyayari ito sa mga taong napariwara at nawalan ng pag-asasasarili.Yung mga taong walang lakas ng loob para harapin ang lahat ng mga balakid na humahadlang sa ating mga pangarap.Image result for kahirapanYung mga taong walang ibang alam kundi ang umasa sa ibang tao.Bakit ba hindi natin maintindihan na tayo mismo ang nagpapahirap sa ating mga sarili.Nang dahil sa kurapsyon at sa ating ugaling hindi maintindihan mas lalong naghirapang ating bansa.Kung mayroon mang mga taong hindi tamad, sila yung mga taong nagsusumikap sa buhay upang i.angat ang kanilang buhay mula sa kalunos-lunos na  pighati dulot  ng kahirapan.Dahil hindi nila matiis na makitang naghihirap ang mga mahal nila sa buhay kaya gagawin nila ang lahat upang makaahon sa hirap.Ito rin ang dahilan kung bakit may mga maraming magulang ang nakapagdesisyong mag ibang bansa.Nang dahil sa kahirapan natutu tayong maki pagsapalaran sa ibang 
bansa.Subalit mula sa pagtitiis ng mga OFW sa lahat ng pagod at sakit ng katawan sa ibang bansa unti-unti naman nilang nararanasan ang pag-unlad sa kanilang buhay.Yan ang siyang patunay na kahit maraming pagsubok sa buhay hindi dapat isipin na tayo ay mahina.Dapat laban kung laban.Hindi man ganun ka daling makamtan ang kaunlaran sa buhay,marami man tayong mga pighati at sakit na naranasan.Lakas at tibay lang nang loob ang kailangan.Magtiwala sa sarili at laging isipin na Hindi hadlang ang kahirapan tungo sa ating mga pangarap.Mahirap man masulosyonan ang problemang ito,ngunit sana ay manatili tayong mangarap.Hindi imposible sa pagsisikap ng bawat mamayang naghihirap sa buhay.Kung alam lang natin sa sarili natin na walang imposible.

Mga Komento